Ang mga Pilipino ay may ilang dantaon na ring naimpluwensyahan ng kolonyal na mentalidad, ang pag-iisip na kahit anumang banyaga ay mas nakahihigit kaysa sa katutubong kinagisnan.  Mula sa kanilang kinalolokohang pagpapaputi ng kutis para magmukhang may puting lahi, o pagtangkilik sa mga banyagang produkto, maka-Kanlurang kultura at pamumuhay…maliwanag na ang limang siglong kolonisasyon ng Espanya at Amerika ay naiukit na sa kultura at pagkakakilanlan ng Pilipino.

Play Video

Ukol

Ang kahusayan sa Ingles, lalo na’t may banyagang impit na tunog Amerikano o Inglatera ay itinuturing na nakatataas at nauugnay sa estado sa lipunan.  Ito rin ang ginagamit na pagkilala kung ang isang tao ay laking lungsod o probinsya…malimit na pinagtatawanan ang probinsyanong mali ang pagbigkas ng mga salitang Ingles o di kaya’y mali ang kanilang gramatika.  Ang kaugaliang ito ay nadadala ng mga Pilipinong dumadayo sa ibang bansa, kung saan may diskriminasyon sa pagitan ng mga bihasa sa Ingles at sa mga may impit na tunog probinsya. 
 
Ipinagmamalaki ng mga migranteng Pilipino ang kanilang katatasan sa lenggwaheng Ingles at madalas nilang banggitin na Ingles ang pamantayan ng komunikasyon sa kanilang inang bayan…isang aninag ng mataas na karunungang magbasa at magsalita ng Ingles ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansang kabilang sa Timog Silangang Asya. Ang kanilang kagalingan ng abilidad na makibagay sa bagong kultura at lisanin ang Pilipinong pamamaraan ay kinikilala na katatagan sa panig ng pagiging Pilipino.  Ngunit katwiran ng iba na ang mga ito ay rason lamang para sa malakas na pagnanais na maka kalas ang Pilipino sa sariling pagkakakilanlan at makilalang maka-Kanluran.  Ang minimithing makatira sa banyagang lupang inaasam ay isang pangarap na sa wakas ay nakamtan na. 

Interviewees

  Filbert Wong

  Jenilee Austria

  Patrick Alcedo

Kuwento ng mga Migrante

Play Video
Play Video
Play Video
Play Video
Play Video
Play Video

ABANGAN

Gaano kalaki ang kapangyarihan ng wikang etniko sa pagkakakilanlang pangkultura ng isang tao?  Ito ay tatahakin ng aming documentary na pinamagatang, “Mabahong Isda”. Narrated by Luis Azcona.  Directed by Filbert Wong.  Abangan ngayong Nobyembre 22, 2022.

Mga Tagapagtaguyod ng Pamanang Pilipino

Sa Canada, walang kakulangan ng mga asosasyon at komunidad para sa mga Pilipino

Philippine Consulate General
Taste of Manila (PCCF)
Kapisanan Centre for the Arts
Filipino Centre Toronto

Punan ang survey

Sa Canada, marami tayong naranasan bilang migrante. May iba sa atin na mas madali ang pag transisyon sa bagong bansa, may iba naman sa atin ay mas nahirapan. 

TAGALUGIN NATIN

Samahan natin si Tito Baks sa kanyang Salinwika, kung saan tinuturuan nya tayong tagalugin ang ibang salitang ingles.

MAGPADALA NG INYONG MGA KARANASAN AT KWENTO

Lokasyon

120 Amber St. Markham ON L3R 3A3

Kontakin

Phone: +1 416 877 2095
Email: [email protected]